Sa wakas! Natapos din ang mahigit na isang linggong pagpupuyat para sa 5 magkakasunod naming eksam. Kaninang umaga lang naganap ang pinakamadugong pakikipagsagupa namin sa lahat ng limang exams. Ito lang naman yung subject na ibinagsak ko nung nakaraan. Ngayon, kahit papaano kuntento naman ako sa mga nasagutan ko at may mga tanong doon na kahit di ko alam at sinagutan ko nang hindi pinag-iisipan ay tsumaba naman.
Hindi magkamayaw ang mga kaklase ko sa pagpaplano nila ng mga pan-detox nila. Lahat, halos excited magpakasaya, matulog at magpahinga. Ako din mismo, sabik mag-online dahil isang linggo ko din na-deprive ang sarili ko sa pagbubukas ng mga account ko.
Plano ko nga sanang mag-online buong araw bukas o kaya tapusin yung drama series na pinapanood ko nang makatanggap ako ng text mula sa kapatid ko laman ang isang malungkot na balita. Pumanaw na ang pamangkin namin kaninang ala-una ng hapon matapos ma-comatose nung Sabado. Anak siya ng first cousin namin at malungkot dahil malapit sa amin ang batang iyon. Sa bahay pa namin sa probinsya niya napipiling magbakasyon tuwing summer. Sayang dahil napakabata pa niya at kumbaga ang ikli lang ng itinagal niya sa mundo.
Tuluyan ko munang isinantabi ang mga pansarili kong plano. Hindi pa ito ang tamang panahon para magpakasaya.
Ako si Jeal at isang occasional blogger lamang. Nakakapag-post lang ako ng entries kung kelan may oras at nasa mood para magsulat. Ito na ang pang-apat na blog account ko at nakalaan para magsisislbing tahanan ng aking mga opinion, kuro-kuro, personal na kuwento, at mga “wala-lang” na gusto kong isulat at ibahagi.
Hanapan ang Blog na Ito
Lunes, Agosto 22, 2011
Miyerkules, Agosto 3, 2011
Di Na Tulad Ng Dati
Kahapon pa lang (Martes), nae-excite na akong dumalo sa aming "pagsamba" (Church Worship service). Miyerkules ng 7:45 pm ang schedule ng pagsamba ko at sa pagkakataong ito, pareho na naman kami ng schedule ng pagsamba kaya naman umaasa akong makikita ko siyang muli, (tuwing Miyerkules nga lang ng gabi)
Nagmumukha tuloy na siya lang ang habol ko tuwing pagsamba at hindi na ang mga Bible lessons na itinuturo ngt aming pastor. Siguro dati nung pareho din kami ng schedule ng pagsamba (Linggo ng umaga) hindi talaga ako nakaka-concentrate. Ni hindi nga ako makatingin ng diretso sa harap dahil sa lugar na kinatatayuan ng pastor ay upuan din ng choir. Oo, choir member siya at madalas siyang nauupo malapit sa organista. Dati iyon, hindi na ngayon. Kamakailan ko lang din napansin na mas nakakapakinig na ako ng mabuti sa teksto ng pastor ngayon kahit na alam kong nandoon siya sa harap. Hindi na ako nakayuko at hindi na nakababad ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniya. Kahit na pa tila nag-iistand-out at may glowing effect pa ang kaniyang maamong mukha. Hindi na, di na talaga.

Martes, Agosto 2, 2011
Ang Kapalaran Nga Naman...
Hindi na bago sa akin ang bumagsak sa eksam lalo na kung kilalang "mahirap at torture" kumbaga sa mga estudyante ang isang subject. "Mahirap." Yan lang ang tamang salitang makapaglalarawan sa eskuwelahan na pinapasukan ko. Walang madaling subject. Hindi nadadaan ang lahat sa pag-aaral lang. May mga pagkakataon pang naluhuran mo na ang lahat ng santo sa mga kilalang simbahan, kulang pa rin para ka pumasa.
Hindi maikubli sa mukha ko kahapon (Lunes) ang pagkadismaya ko sa resulta ng aking eksam. Mahirap ang eksam, mahirap ang subject. Sinubukan ko namang sagutan lahat ngunit kulang ang mga tamang sagot ko para umabot sa pagkataas-taas na cut-off grade. Ako at ang ibang kaibigan ko ganoon din. Ngunit, di hamak na mas may pag-asa silang ma-exempt sa mga nakuha nilang marka kaysa sa akin. Over 100 ang eksam. Line of 8 ang highest, line of 6 sila, ako line of 5. Hindi naman ako nag-iisa dahil may mga kapareho ako ng kapalaran (BUMAGSAK), pero hindi ito dahilan para hindi ko pagbutihin ang mga susunod pang eksam. Oo, mahirap ang subject pero hindi ito dahilan para hindi ko ipasa ang susunod na eksam.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)